Nalibre ng rice - Diskarte 101

Diskarte 101

Sam 101's Guide to AI, Love, Life & Money Hacks

Breaking

Home Top Ad

Wednesday, February 4, 2026

Nalibre ng rice

Nakalibre ng rice dahil di nagkaintindhan 😅

May silbi din pala tong di tayo masyadong marunong sa Nihongo, nalilibre tayo ng staff ng ramen-ya 🍜

Nakikita nyo ba yang maliit na rice na nahagip sa picture?
Nilibre na ng staff sakin yan dahil sa pagkakamali nila. 😅

Story time.


Malamig ulit ang panahon at nagdecide akong mag-ramen ulit.

Una kong pinuntahan yung isang ramen-ya na ang shop owner ay tinatawag naming "Uncle".

Naglakad nako ng mga 10mins at malapit nako sa shop ng narealize kong Wednesday nga pala, at close sila pag ganitong araw.

So no choice, 10mins lakad ulit pabalik ng station.
Lipat sa isang suki na naman naming kainan ng ramen.

Ayun, order, pakita ng coupon, na sabi ko Uzura/Quail eggs ang gusto kong free add-on.
(Kaya maraming itlog ang ramen sa picture, pag jan ako nakain na ramen-ya.)

N6 Nihongo to guys ah hahaha saktong makaorder lang at makapili ng add-on Nihongo ko.

Pero nung binigay na ang ramen sa counter, sinundan eto agad nung maliit na bowl ng rice, na tinanggap ko naman agad, by instinct, pagkalapag nila. 😅

Nung nakuha ko na ang rice saka ko naisip,
"Wait lang, rice ba yung sinabi kong add-on?
Quail egg ata yun."

At tinignan ko ang ramen ko,
"Ay may quail egg nga ang order ko."

"Pano ba to sabihin in Nihongo na wala akong add on na rice. Ahh bahala na--"

Binalik ko nalang ang rice sa counter.
Yung inupoan ko pala, 
nasa bandang rice cooker na ang kabilang side ng counter din.
Pero busy pa sila sa ibang customer at di na tumitingin sa banda ko sa corner.

Nung nadaan naman sila sa rice cooker di naman nila kinuha yung rice.

So binaba ko na ulit yung rice.

"Ahh baka may promo sila, free 2 add-ons instead na isa lang." 
Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko hahaha

Maya2, may isang customer na nagsabi na asan na daw rice nya.

"Ay gagi, sabi ko na mali yun."

Ayun, nung lumapit na sa rice cooker ang isang staff, tsaka ko sinabihang nagkamali sila ng bigay ng rice sakin.
Di ko pa naman ginagalaw, kaya binalik ko yung bowl ulit sa counter hahaha
(In broken Nihongo ulit.)

May loading saglit,

pero nung narealize nila ibig kong sabihin, sabi nila ayos lang daw, at kainin ko nalang yung rice.
(Eh di goods!)

So ayun nakalibre nga!

Pagkatapos kumain, at binigay ko yung suki card/coupon for free stamp.

Kinausap ako nung staff na nagsabing kainin ko nalang yung rice na naibigay nila.
(Yung kasama nya btw nag-serve ng rice, baguhan ata yun)
Sabi nya Nihonjin ba daw ako.

Sabi ko hindi, Firipinjin. 
(Uyy Philippines, nambudol ng rice)

Tapos tinanong ko din if siya ba Nihonjin, sabi nya rin hindi, Nepaljin pala.

Mabilisang kwentohan lang bago ako umalis.
Nagtanong siya if andito ako for work.
(Baka iniinterview nila ako bago ireklamo ng pambubudol sa pulis)

Tapos since mas bata sila sakin, tinanong ko din if andito sila as University students.
Hindi rin daw.
Hindi daw sila Daigakusei, pero Senmon Gakko students daw sila.
At actually, graduating na sila this March.

Di ko alam pala pano ko na naintindihan to, baka dahil busog at nakalibre na ng rice kaya gumagalaw na ang Utak ko hahahahah

Nung binalik na nila sakin ang suki card, with stamp na,
nagpaalam na din ako.

"Gochisousamadeshita."

"Matakondo" or something, nakalimutan ko na ano exact word sinabi nila dito, palabas nako ng pinto eh hahahahahaha

===========

Ayun natuwa lang din ako sa nangyari. Nalibre ba naman.
Pero yung na learn ko sa experience na to,

mag-eenroll na talaga ako sa Nihongo Class ni Archee Sensei in Japan, para mas confident ako makipag-usap sa Nihongo, 

baka pati ramen next time ilibre na ng staff 😅

#sam101 #wheninjapan #japanlife #japanblog #sam101writes #writeups #japanstories

No comments:

Post a Comment

Sponsor

Klook.com